Georgia

PAGHAHANDA SA KALAMIDAD, PAGMAMALASAKIT SA PAMAYANAN!

Sa panahon ng mga hindi inaasahang kalamidad, ang kahandaan ay nagsisimula sa pagkakaisa, pagtutulungan, at sapat na kaalaman.
Noong Oktubre 8, 2026, nagsagawa ang St. Martin Coop ng Barangay Emergency Equipment Donation sa Bambang Covered Court, Bocaue, Bulacan, bilang pagpapakita ng malasakit at suporta sa kaligtasan ng pamayanan.
Bukod sa donasyon, nagbahagi rin ang St. Martin Coop ng kaalaman tungkol sa Financial Literacy at Digital Literacy, gayundin sa kahalagahan ng insurance bilang proteksiyon sa pamilya laban sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Hinikayat din ang mga mamamayan na maging miyembro ng St. Martin Coop upang magkaroon ng pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyong pinansiyal, mga produktong pang-ipon, at iba pang programang makatutulong sa kanilang pag-unlad.
Dahil para sa St. Martin Coop, ang tunay na malasakit ay hindi lamang pagbibigay ng tulong, kundi pagbabahagi rin ng kaalamang nagbibigay ng mas ligtas at mas matatag na kinabukasan.