ST. MARTIN COOP, NAKIKIISA SA PAGPAPALAKAS NG COOPERATIVE MOVEMENT
Ngayong Cooperative Month, nakikiisa at buong-pusong sumusuporta ang St. Martin Coop sa Kick-Off Ceremony ng Cooperative and Enterprise Month Celebration na ginanap noong October 3, 2026 sa Provincial Capitol Gym, City of Malolos, Bulacan, na may temang “Sustaining Inclusive Growth Through Cooperative Empowerment.”
Isang mahalagang pagkakataon ito upang sama-samang kilalanin ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagbibigay ng oportunidad, pagpapalakas ng kabuhayan, at pagtataguyod ng inklusibong pag-unlad sa ating mga komunidad.
Bilang bahagi ng Cooperative Movement, patuloy ang St. Martin Coop sa pakikiisa, pakikipagtulungan, at pagsusulong ng isang mas matatag, inklusibo, at maunlad na kooperatiba para sa lahat.