Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaunlaran at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kabataan, matagumpay na isinagawa ang MOA Signing and Partnership sa pagitan ng St. Martin Coop, Local Youth Development Office, at SK Federation ng Sta. Maria, Bulacan noong October 20, 2026.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at matibay na ugnayan, hangad nating makapaghatid ng mga programang magbibigay-kaalaman, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Sama-sama sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad, dahil ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pag-unlad ng bayan!