Hindi lamang sa pag-iimpok at pangarap pangkabuhayan nagsisimula ang magandang kinabukasan, nagsisimula rin ito sa edukasyon. Ngayong Setyembre 11, 2026, nakibahagi ang St. Martin Coop sa Adopt-a-School Program sa DepEd – Guiguinto Central School, Guiguinto, Bulacan. Ibinahagi natin sa mga guro ang kahalagahan ng financial literacy, pag-iimpok, at teknolohiya, gayundin ang mga benepisyo ng pagiging bahagi ng isang kooperatiba. Bilang dagdag na suporta sa makabagong edukasyon, nag-donate rin ang St. Martin Coop ng mga 43-inch Smart TV na maaaring gamitin sa mas interactive at makabuluhang paraan ng pagtuturo at pagkatuto. St. Martin Coop, Kaagapay sa Edukasyon, Kaagapay sa Kinabukasan!