Nagbigay ng maikli ngunit makabuluhang pananalita sina Membership Services Manager Eileen Reyes at Branch Manager Sheryl Cruz.
Kasunod nito, sa kanyang Turnover Speech, binigyang-diin ni CEO Serafin M. Celestino, Jr. na ito na ang ika-apat na Trike Patrol na ipinagkaloob ng St. Martin Coop sa mga barangay na sakop ng kanilang operasyon. Layunin ng kooperatiba na maglaan ng pondo mula sa Community Development Fund para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng komunidad. Ang Barangay Trike Patrol ay magsisilbing behikulo sa pagpapanatili ng kapayapaan, katiwasayan, at kaayusan sa Barangay Tigpalas.
Sa kanyang Acceptance Speech, buong puso at malugod na tinanggap ni Barangay Kapitan Ma. Fe Pascual ang kaloob na Trike Patrol. Ipinangako niya na ito ay gagamitin para sa mga pambarangay na aktibidad at makatutulong nang malaki sa kanilang komunidad.